1M WORKERS MAKIKINABANG SA AUTOMATIC CIVIL SERVICE ELIGIBILITY

KABAYAN-2

AABOT sa halos isang milyong manggagawa mula sa gobyerno at pribadong sektor ang makikinabang sakaling maisabatas ang House Bill 8620 o ang Automatic Civil Service Eligibility Act.

Ang naturang panukala ay inihain nina KABAYAN partylist Representatives Ron Salo at Paul Hernandez.

Layon nito na gawing eligible at regular sa trabaho ang mga nagsilbi sa loob ng tatlong magkakasunod na taon sa gobyerno at mga manggagawang contractual, casual at job order na may kabuuang limang taong serbisyo.

Sa kasalukuyang sistema ay nagiging regular ang isang ­empleyado ng pamahalaan o nabibigyan ng plantilla position kapag nakapasa ito sa Civil Service exam at napagkalooban ng eligibility.

Paliwanag ni Salo, maaaring resolbahin ang isyu sa educational at training requirements ng mga contractual sa implementing rules and regulations ng Civil Service Commission (CSC) at Department of Budget and Management (DBM).

Sa oras na maging ganap na batas ang panukala, nasa 660,000 contractuals sa gobyerno at 300,000 endo workers sa pribadong sektor ang maaaring ma-regular sa trabaho. CONDE BATAC

Comments are closed.