1O SPORTS ‘OUT’  SA BATANG PINOY

batang pinoy

DAHIL kaunti ang kalahok at kulang sa pasilidad, hindi na lalaruin ang 10 sports sa Mindanao, Visayas at Luzon legs ng 2019 Batang Pinoy.

Ang Mindanao leg ay aarangkada sa Pebrero 2 sa Tagum City, Davao del Norte kung saan ina­asahan ang pagdalo ni Philippine Sports Commission (PSC)  Chairman William Ramirez.

“The 10 sports will not be played in Luzon, Visayas and Mindanao because of low turnout of participants and lack of facilities. Instead, they will be contested in the grand finals,” sabi ni Ramirez.

Ang naturang sports ay ang cycling, rugby football, gymnastics, judo, muaythai, triathtlon, weightlifting, wrestling, wushu at soft tennis.

Ang 10 sports na ito ay posibleng gawin sa Rizal Memorial Sports Complex at ang iba tulad ng triathlon ay sa Subic Freeport Zone sa Olongapo City, Zambales sa grand finals ng torneo.

Ang sports na may qualifying event ay ang archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, dancesport, karatedo, lawn tennis, pencak silat, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, futsal at volleyball (indoor and beach volleyball).

Ang Batang Pinoy ay breeding ground ng future athletes at umaasa si Chairman Ramirez na maraming matutuklasang mga batang may potensiyal sa kanayunan na mayaman sa magaga­ling na atleta.

“Batang Pinoy is truly a source of national pride and I am pretty optimistic many young promising athletes will surface in the three stages competitions,” pagsisiguro ni Ramirez.

Matapos ang Min­danao leg, susunod ang Visayas edition sa Peb.  23 sa Iloilo Spots Complex na magkatuwang na iho-host ng Iloilo City at Iloilo Province.

Ang Luzon leg ay gaganapin naman sa Marso 16 sa Ilagan City, Isa­bela. CLYDE MARIANO

Comments are closed.