PASAY CITY – INAASAHANG sa susunod na linggo ay nasa bansa na ang unang batch ng mga Filipino na nagpasaklolo para makauwi sa Filipinas.
Ang mga ito ay mula sa Wuhan na pinakatinamaan ng novel coronavirus.
Nasa 50 mula sa 300 Filipino sa Wuhan at Hubei ang nagpasabi na sa Philippine government na tulungan silang makauwi sa Filipinas sa pangamba laban sa novel coronavirus.
“The Department of Foreign Affairs stands ready to repatriate Filipinos in China amid health concerns brought about by 2019 novel-coronavirus (2019 n-CoV) outbreak,” ayon sa advisory ng DFA
Paglilinaw naman ng DFA, ang unang batch ng mga Pinoy ay dumaan sa ruling ng China hinggil sa disease containment kasama na ang immigration clearances at quarantine process. EUNICE C.
Comments are closed.