1ST BREAST MILK HUB SA CALABARZON BINUKSAN NA

SA kauna-unahang pagkakataon ay binuksan ng DOH Center for Health Development sa Calabarzon katuwang ang Tayabas City Health Office ang 1st breast milk hub sa Brgy. Mateuna sa Tayabas City, Quezon.

Ayon kay DOH Regional Director Ariel Valencia, layunin ng lactation hub facility ay upang makapagbigay ng safe breast milk sa mga may karamdaman at orphanes babies sa panahon ng pandemic at emergencies.

Magbibigay din ang regional office ng mga equipment at commodities para sa breast milk hub tulad ng chest freezers, ica packs, manual breast pumps at breastmilk sto­rage bags.

Sa pahayag naman ni Jellie Anne Palencia, Nutrition Dietitian IV and Outcome manager ng Nutrition and Breastfeeding Program, kokolektahin ng Tayabas City Breastmilk Hub ang donasyong breast milk mula sa kalapit lugar sa Quezon bago dadalhin sa Batangas Medical Cen­ter Human Milk Bank para isailalim sa pasteurization.

Ayon pa kay Palencia na ang pasteurization integral process ng breast milk ay upang patayin ang anumang harmful bacteria at viruses sa gatas at ma-preserve ang nutrients, immune properties at iba pang healthy components bago ipainom sa sanggol.

Para sa mga lactating mothers na nag-donate sa breastmilk hub ay makatatanggap ng freebies tulad ng ID, phone lace, water tumbles, at t-shirts.

Samantala, hinimok naman ni Valencia ang mga lactating mother na nagpositibo sa COVID-19 na ipagpatuloy ang breastfeeding sa kani-kanilang anak.

Ayon pa kay Valencia na siguruhin lamang na masunod ang Minimum Public Health Standards (MHPS) tulad ng hand washing at pagsusuot ng face mask habang nagpapadede ng baby.

Lumalabas sa mga pagsasaliksik at pag-aaral ng mga dalubhasa sa medisina na ang COVID-19 ay hindi pumapasok sa breastmilk ng ina na nagpositibo sa virus at walang kinalaman sa breast­feeding. MARIO BASCO