QUIRINO – ISINAGAWA ang kauna-unahang Drug Summit sa mahigit sa 1,000 tokhang responders na ang naging pangunahing panauhin ay si P/Brigadier Gen. Jose Mario Espino, regional director ng Philippine Natinal Police (PNP) Region 2.
Lubos namang nagpasalamat si Quirino Governor Dakila Carlo E. Cua sa pagdalo ng heneral sa nasabing event.
Ayon naman kay P/Capt Reynold Gonzales, Police Community Relations Officer (PCRO) ng Quirino Police Provincial Office (QPPO), sinabi niya na nakiisa at kusang lumahok sa kauna-unahang Drug Summit ang mga responder.
Sa idinaos na Drug Summit katuwang nila ang regional director at provincial director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) gayundin ang Public Employment Service Office (PESO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at mga empleyado ng Rural Health Unit (RHU) ng iba’t ibang bayan ng Quirino.
Pagkatapos ng Drug Summit ay naideklarang drug cleared ang apat na bayan kabilang ang Aglipay, Cabarrguis, Maddela at Nagtipunan, Quirino.
Bukod sa Drug Summit isang sports Olympics ang ginanap para sa mga tokhang responder na sa bawat bayan ng lalawigan ng Quirino ay bumuo ng kanya-kanyang team at aktuwal na tinuruan sila ng search and rescue operation, basic life support at first aid kung saan lubos na nasiyahan ang mga kababaehan sa tokhang responders. IRENE GONZALES
Comments are closed.