NAG-COURTESY call kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga nagwagi sa 1st Joy Belmonte Inter – Barangay Amateur 10-Ball Open Billiard Tournament na idinaos noong Pebrero 3-10, Itinanghal na kampeon sa torneo na inorganisa ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) na pinamumunuan ni Perry Mariano si Mark Anthony Quinlog ng Brgy Holy Spirit, habamg runner-up si Christian Sasagawa ng Brgy Pasong Putik at 3rd placer si Nimrod Cineza ng Brgy Gulot.