1ST LYR TATAK EXCELLENCE GAMEFOWL SUMMIT WITH DINK FAIR TAGUMAY

PUSONG SABUNGERO

DINAGSA ng halos isang li­bong sabungero, gamefowl breeders at cocking aficionados ang ginanap na kauna-unahang LYR TATAK EXCELLENCE GAMEFOWL SUMMIT WITH DINK FAIR,  tinaguriang isa sa pinakamagaling na gamefowl breeder sa mundo.

“Isang malaking karangalan na bumisita si Dink Fair sa Filipinas, lalong-lalo na rito sa Tagum City sa Min­danao, bilang pagtugon sa aking paanyaya sa kanya nang ako ay pumunta ng Amerika para kumuha ng mga dekalidad na linyada at isa si Dink Fair na hinangaan ko dahil sa ganda ng kanyang mga manok at higit sa lahat ay talaga namang siya ay mapagkakatiwalaan,“ sabi ni Larry Rubinos, ang nagtaguyod ng LYR Cup at may-ari ng NEW TAGUM CITY COCKPIT ARENA.

Mga kinikilalang breeders at CHAMPION OF EXCELLENCE ang dumalo sa pagtitipong ito na pina­ngunahan nina Biboy Enriquez, Robie Yu Panis at Lunie Banzagales ng FIREBIRD GAMEFARM. Dumating din sina DOYET LAPIDO, RICHARD DUY, GALEN PACTURAN DARRYL ORBECIDO BORDS MARIANO RAUL GALAURA MIKE DECENA  LYNDON TABOADA, at JAMES SIASON, isang malapit na kaibigan ni Dink, at halos lahat ng kanyang mga manok ay galing dito.

Umaga hanggang halos hatinggabi na ang layunin ay makapagbigay at magturo sa tamang paraan at best practices mula sa pagpapalahi, pagpapalaki ng sisiw, pagbabakuna, pag-iwas at paggamot ng mga sakit, paghahanda sa laban at pagtatari.

Nagbigay rin ng kanilang kaalaman sa pagtatari sina CARLO NICOLAS ng CARLO TARI MAKER, ARNELLE VENDERO GAFF MAKER NG CEBU, GALEN PACTURAN at ROBIE YU PANIS, na itinuro ang kanyang estilo ng pagkakabit ng tari.

Star-studded ang gamefowl summit na ito nang dumating ang sabong idol na si ENGR. SONNY LAGON upang hilingin ang suporta sa kanyang AKO BISIYA PARTYLIST#92 na layuning pagtibayin ang sabong industry sa bansa.

“Panahon na upang magkaroon ng boses sa Kongreso ang mga sabungero, lalong-lalo na ang mga nabubuhay sa loob nito tulad ng mga mananari, tagapusta, manggagamot, handlers at mga nag-aalaga ng manok. Sila ang  malaki ang naiambag sa paglago ng gamefowl industry at umasa kayo na ang inyong lingkod, ENGR. SONNY LAGON, ang inyong manok sa Kongres,” mga katagang sinalubong ng masigabong palakpakan.

Dumating din sa okasyong ito si DOC AYONG LORENZO, may-ari ng EXCELLENCE POULTRY AND LIVE-STOCK SPECIALIST, kasama si Comm. Jun Espino,  mga partner ni Rubinos sa Polomolok Sports Arena na sina ERIC DELAROSA, MAYOR ED LUMAYAG AT JOEY SALANGSANG, pawang sabungero at kaibigang matalik ni Rubinos.

Sa kanyang talumpati ay sinabi ni Rubinos na, “Itinatag ko ang LYR BREEDERS GROUP upang mabigyan ng magandang pagkakataon ang mga backyard breeder na turuang ga­wing negosyo ang pagiging mahilig sa manok pansabong.  Pagtuunan ng pansin na kumita sa sabong sa pamamagitan ng breeding o anumang negosyo mayroon dito. Magsugal nang may kontrol at disiplina, ga­wing negosyo ang bisyo kung saan ang bawat miyembro ng LYR ay magiging business partner at may-ari balang araw nang itatag ko ang Agrivet Supply. Lahat ng sasali sa LYR CUP ay tatanggap ng dibidendo at lalo nating palalawakin ang pasabong na ito na magmumula sa Min­danao patungong Luzon at Visayas.”

Ang gabi ng para­ngal para sa mga natatanging kampeon at top 20 sa LYR CUP ay nagbigay ng incentives, trophies at pa-raffle sa mga dumalo sa event na ito. Literal na bumaha ng mga pa­premyo sa raffle nang magbigay si Rubinos ng 5 motorcycles, 10 24 ­inches na TV, washing machine at siyempre, mga naggagandahang linyada galing sa CHAMPIONS OF EXCELLENCE. Si LEO ENRIQUEZ naman ay nagpa-raffle ng isang grand prize na trio sa mga tumangkilik sa TATAK EXCELLENCE at mismong si Dink ang bumunot sa mapalad na sabungero ng gabing iyon dahil ang mga manok na iyon ay palahing galing mismo sa kanya, ang kanyang 5K dollar line. Hindi maipaliwanag ang kasiyahan ng mga taong tumungo at dumalo sa summit at mismong si DINK na guest of honor ay nagsabing, “I am overwhelmed by the warmth and hospitality of the Filipinos, this is the best experience in my life and how I wish to have visited your country a long time ago but it is all worth it and you cannot find such a gracious and generous host like LARRY RUBINOS, I want to thank all of you my Pilipino friends for your kindness, hospitality and passion for our sport.”

Comments are closed.