1ST PH PROFESSIONAL SPORTS SUMMIT

on the spot- pilipino mirror

HINDI na maiiwan sa pansitan ang sektor ng isports.

Mismong sina Senators Sonny Angara at Bong Go,  dalawa sa masugid na  sports supporters sa Senado,  ang nagbigay ng kasiguruhan na maipagkakaloob ng pamahalaan sa pamamagitan ng pag-amyenda sa mga batas at pagsulong ng mga bagong Senate bill ang mga pangangailangan ng atletang Pinoy sa kanilang paghahangad na maging kumpetibo at world-class.

“Nasimulan na natin ang pagbibigay ng suporta sa grassroots level. Pero sa totoo lang, kailangan pa na­ting kumilos nang todo, dahil kulang na kulang talaga tayo sa sports facilities. Kumpara sa mga karatig nating bansa na Vietnam, Thailand and even Singapore (sila ay may 21 sports center), tayo sa Filipinas ay 20 lang ang sports coliseum and can accommodate 10,000 or less,” pahayag ni Angara sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng 1st Philippine Professional Sports Summit kamakalawa sa PICC sa Pasay City.

“At karamihan pa rito ay private. Sa golf course ay wala tayong public, maliban lang yata sa AFP at lahat puro private. We need to improve our sports facilities para sa grassroots pa lang ay matibay na ang foundation natin.”

“We’re  closely coordinating with the Philippine Sports Commission and the Games and Amusement Board para kung ano pa ang kakulangan, makaaasa ang sambayanan na susuportahan namin ito sa Senado,” sambit ni Angara, may akda sa pag-amyenda ng ‘Athletes Incentives Act’ kung saan napataas ang cash incentives ng mga atleta na magwawagi ng medalya sa international competitions at naisama ang mga atletang may kapansanan sa mabibigyan ng ayuda.

Kinatigan ito ni Go, at muling inulit ang pagsasabatas sa panukala niyang pagtatayo ng National Sports Center for High School sa new Clark City sa Tarlac.

“Makaaasa po kayo na sa huling tatlong taon ng Pangulo at habang kami po ay nasa Senado ay maisusulong po natin at mapalalakas ang mga programa sa sports. Parang kapitbahay po ninyo kami, lapitan n’yo lang at sabihin kung ano pa ang ating magagawa para matulungang ang sports,” sambit ni Go.

Iginiit ni Go na suportado niya ang pagbibigay ng karagdagang pondo sa PSC at GAB na napagtuunan na rin ng pansin sa nakalipas na taon nang maitaas ni Angara mula sa P180-M sa P230-M ang pondo ng PSC at P140-M mula sa dating P78 mil­yon sa GAB.

Isa sa isyu na nangangailangan ng agarang aksiyon ang malaking tax sa horseracing industry na kasama sa naapektuhan sa ipinatupad na TRAIN law. Malaking kabawasan sa kita ng sektor ang malaking tax na binabayaran na kung hindi ma­reresolba ay pipilay nang todo sa industria.

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, ang pagkakaisa ng sektor ng professional sports ay magpapatibay sa kanilang hanay at magbibigay kasiguruhan sa bansa para sa hinahangad na ‘sports excellence’.

“As they say, great ideas are created when great minds are gathered. It has been three years since i assumed office, but our goal in GAB is still the same—that is to place the Philippine professional sports onto a global scale and lay ground for its further success in the future,” sambit ni Mitra.

“I believe that we are here for a common purpose—to level up the quality of professional sports in the Philippines so it can keep up with the fast-pacing international trends.

“The Philippine Professional Sports Summit aims to bridge gaps and establish strong partnerships between GAB and different professional sports stakeholders in the country which are under the supervisory and regulatory authority of GAB,” pahayag ni Mitra.