CAVITE -BUKAS na sa publiko ang kauna-unahang satellite office ng National Policer Clearance sa Bacoor City.
Sa bisa ng Memorandum of Agreement ng Phil. National Police (PNP) sa pangunguna ni Maj. General Eliseo Cruz, director for Investigation and Detective Management at pamunuan ng SM Supermall sa buong bansa ay nailunsad ang 1st National Police Clearance makaraang lagdaan ang MOA noong nakalipas na buwan sa ilalim pa ng pamumuno ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr.
Ayon kay Cruz, malaking produkto na maipagmamalaki ng PNP ang nasabing satellite office na may malaking ambag sa crime prevention at crime solution ang pagkuha ng police clearance kung saan aabot na sa 1000 wanted person ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya.
Nabatid na ang National Police Clearance na may link sa Crime Information Reporting Anlaysis System (CIRAS) ay may kakayahang ma-identify ang isang residente kung ito ay wanted person kapag kumuha ng police clearance dahil sa data base system mula sa 1,700 police station sa buong bansa na may criminal record na pumapasok sa Electronic Blotter (e-blotter) at Electronic Warrant (e-warrant) mula naman sa mga hukuman sa buong bansa.
Sa kasalukuyan ay may 700 police station ang awtorisadong mag-isyu ng National police Clearance mula sa nakalinyang satellite offices sa mga sangay ng SM Supermalls. MHAR BASCO