KULANG tatlong linggo, naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa ipatutupad na seguridad sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa Hulyo 25.
Ayon kay PNP Director for Operations Major General Valeriano de Leon, pinagpaplanuhan na ngayon palang ang lahat ng posibleng sitwasyon sa loob at labas ng Batasan Complex, kung saan isasagawa ang SONA.
Sinabi ni De Leon na sa pagkakataong ito, personal nitong pangangasiwaan ang security preparations na ipapaapruba kay PNP Officer in Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr.
Aniya, kasama sa plano ang pagpapahintulot ng mga protester na magtipon sa mga Freedom Park katulad noong inaugurasyon ng Pangulo para mapanatili ang kaayusan.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si de Leon na maidaraos din ng maayos at mapayapa ang SONA kung pagbabatayan ang karanasan sa nakalipas na halalan at inagurasyon ng Bise-Presidente at Presidente. EUNICE CELARIO