1ST WORLD FOOD SAFETY DAY IDINAOS

WORLD FOOD SAFETY DAY

NAKIISA ang Department of Agriculture (DA)-Cordillera sa pagdiriwang ng kauna-unahang World Food Safety Day kamakailan.

Ang naturang okasyon ay ginanap matapos itong lagdaan sa 73rd session ng United Nations General Assembly sa New York City noong Disyembre  20, 2018.

Ayon sa DA-Cordillera, sa pamamagitan ng pagdiriwang ng World Food Safety Day ay napag-usapan at naayos ang mga prob-lema ng mga consumer at producer patungkol sa mga pagkain.

Kasabay ng paggunita ng World Food Safety Day ay nagsagawa rin ang DA-Cordillera ng food safety exhibit sa Baguio City.

Naging tema ng aktibidad ang “Assuring food safety in the food chain is fundamental to healthy living.” BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.