Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. – UE vs AdU (Men)
4 p.m. – DLSU vs NU (Men)
PUNTIRYA ng National University at Adamson University ang 2-0 kartada para magsalo sa liderato sa magkahiwalay na laban sa pagpapatuloy ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena.
Makakaharap ng Bulldogs ang De La Salle sa alas-4 ng hapon matapos ang bakbakan ng Falcons at University of the East sa alas-2.
Ang kanselasyon ng mga laro noong weekend dahil sa bagyong Ompong ay maaaring maging momentum breaker para sa NU at Adamson University, ang dalawang nalalabing undefeated teams sa kaagahan ng season matapos ang kanilang impresibong simula.
Ang break ay maaaring makabuti sa Green Archers at Red Warriors, na sisikaping makabawi mula sa kanilang season-opening defeats.
Sa pangunguna ng magkapatid na Dave at Shaun Ildefonso, sinimulan ng Bulldogs ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 75-70 pagdispatsa sa University of Santo Tomas.
Ginulantang naman ng Falcons ang defending champion Ateneo, 74-70.
Ipinaparada ang young roster, sisikapin ng tropa ni coach Jamike Jarin na mawakasan ng NU ang two-year Final Four drought.
“We need to mature fast in order to complete this season,” sabi ni Jarin.
“We have to fix things and we need to get better.”
Comments are closed.