2-0 TARGET NG GINEBRA

GINEBRA

Laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

6:30 p.m. – Ginebra vs

San Miguel Beer (Game 2)

INSPIRADO at puno ng enerhiya mula sa kanilang blowout win sa Game 1, target ng Barangay Ginebra ang ikalawang panalo laban sa Commissioner’s Cup defending champion San Miguel Beer sa Game 2 ng kanilang best-of-seven title series ngayon sa Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Kings ang Beermen sa alas-6:30 ng gabi, determinadong kunin ang 2-0 bentahe at makalapit ng dalawang hakbang sa ina­asam na korona.

“The win in Game 1 of the playoff bolstered the morale and fighting spirit of my players. We will exploit it to the hilt to win anew,” sabi ni coach Tim Cone.

Tiyak namang hindi papayag si SMB coach Leo Austria dahil sa sandaling muling matalo ay malalagay sa panganib ang kanyang title campaign na ayaw niyang mangyari.

“We cannot afford to lose anew. We have to do something positive and concrete to avoid defeat,” wika ni Austria.

“The defeat is a wake-up call not to play wayward game. We have to stay focus and play with much intensity and tenacity,” dagdag pa niya.

Ang malaking sakit ng ulo ni Austria ay kung paano niya ma-neutralize si import Justine Brownlee na nagpahirap sa kanila sa Game 1 kung saan nagbuhos ang American import ng game-high 42 points at 9 rebounds.

“We have to limit his output and paralyze him with solid defense the whole night,” sabi pa ni Austria na target ang ika-7 titulo.

Muling pangungunahan ni Brownlee ang opensiba ng Barangay Ginebra  katuwang sina LA Tenorio, Scottie Thomspon, Sol Mercado, Kevin Ferrer at babantayan naman nina Japeth Aguilar at Greg Slaughter para huwag maka-penetrate ang SMB na sina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Chris Ross at Arwind Santos.

Kailangang ipakita ni SMB import  Renaldo Balkman hindi lamang ang kanyang husay sa pagbuslo ng  bola kundi  maging ang depensa sa muling niyang pagharap kay Brownlee, habang kailangan ni June Mar Fajardo na maglaro nang husto para kunin ang Game 2 at maitabla ang serye.

Hindi gaanong ginamit si Fajardo at hinayaan si Christian Starhardinger na harapin sina Aguilar at Slaughter kung saan tinalo ang Fi­lipino-German kapwa sa scoring at rebounding.   CLYDE MARIANO

Comments are closed.