2-0 TARGET NG GINEBRA

Ginebra

Laro ngayon:

(Quezon Convention Center)

7 p.m. – Ginebra vs Meralco

Game 2, Kings abante sa serye (1-1)

MATAPOS ang come-from-behind 91-87 win laban sa Meralco sa Game 1, puntirya ng Barangay Ginebra ang ikalawang sunod na panalo sa Game 2 nga­yon sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Haharapin ng Kings ang Bolts sa alas-7 ng gabi kung saan tiyak na sasakyan ni coach Tim Cone ang momentum para muling talunin ang tropa ni coach Norman Black at lumapit ng dalawang hakbang sa titulo na binakante ng Magnolia Hotshots na sinipa ng Talk ‘N Text sa quarterfinals.

Kung mananalo ay lalakas ang kampanya ng Kings na mawalis ang best-of-seven titular showdown at masesementuhan ang kanilang dominasyon sa Bolts na kanilang tinalo sa 2016 at 2017 Commissioner’s Cup.

“Our victory in Game 1 boasted the morale and fighting spirit of the players. We will take advantage and exploit the momentum to the hilt,” sabi ni Cone na target ang ika-22  PBA crown, kasama ang 11 sa Alaska.

Bagama’t tangan ang momentum, walang planong magkumpiyansa si Cone at pinaalalahanan niya ang kanyang tropa na laging isapuso ang laro.

“Our quest for the crown is not an easy job. Look, we played hard enough and utilized all available resources to win after trailing most of the way. We have to play better both offense and defense and double our efforts to realize the ultimate dream,” wika ni Cone.

Buo naman ang loob ni Black na makababalik ang kanyang tropa upang itabla ang serye sa 1-1.

“This is a temporary setback. We will get back at them. We lost the game but the morale and the fighting spirit of the boys are there,” sabi ni Black.

Muling pangungunahan ni import Justine Brownlee ang opensiba ng  Ginebra, katuwang sina LA Tenorio, Scottie Thompson at Stanley Pringle, habang  pamamahalaan nina Japeth Aguilar at Greg Slaughter ang low post. CLYDE MARIANO