2-0 TARGET NG GINEBRA, TNT RERESBAK

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. – Ginebra vs TNT

PUNTIRYA ng Barangay Ginebra ang ikalawang sunod na panalo, habang sisikapin ng TNT na makabawi sa Game 2 ng PBA Governors’ Cup Finals ngayong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

Sa Game 1 noong Linggo ay kapwa nagpakita ang Gin Kings at Tropang Giga ng determinasyon na manalo upang kunin ang maagang kalamangan sa best-of-seven series.

“Talagang lahat gustong manalo,” sabi ni Scottie Thompson matapos ang kanilang 102-92 panalo.

“And mindset is sobrang crucial ang Game 1 at kailangan naming makuha ang panalo. So talagang aggressive kaming lahat,” sabi pa ni Thompson.

Inaasahan ng Kings na ganito pa rin ang mindset ng Tropang Giga sa kanilang pagtatangkang makabawi sa 5:45 p.m. duel.

Handa si coach Tim Cone sa pagresbak ng Tropa, partikular ng kanilang gunners na nanahimik noong Linggo.

“They didn’t have a great shooting night in Game 1. But you know, they’re going to have two or three games where they’re going to shoot the lights out and there’s probably nothing we can do about it. That didn’t happen (last Sunday) so we’re able to control the game a little bit,” sabi ni Cone.

Sinabi ni TNT coach Jojo Lastimosa na may mga adjustments silang dapat gawin para maitabla ang serye.

Na-outplay at na-outgun ng Kings ang Tropa sa Game 1 na may 15-of-36 three-pointers laban sa 9-of-35 ng Tropa.

“Roger (Pogoy) and even Jayson (Castro), they know what needs to be done and I’m hoping they can pick it up offensively in the next game so it will be a better game for us,” ani Lastimosa.

Malaking tulong kung makababalik si Justin Chua at isasantabi ni Poy Erram ang kanyang emosyon.

Si Chua ay hindi na nakabalik sa laro makaraang lumabas na iika-ika sa unang tatlong minuto ng laro.

Sinamahan ni Erram sina Kelly Williams at Chua sa bench dahil sa magkakasunod na fouls sa kaagahan ng fourth quarter.

Tumapos si Erram na may 4 points, 6 rebounds at 2assists sa 19 minutong paglalaro na nabahiran ng disqualification dahil sa 6 fouls at sa pagrereklamo sa referees.

“Poy’s got to do a better job of controlling his emotions…I was actually pissed at him; his teammates were actually getting on him because he’s beginning to be a distraction by complaining too much,” ani Lastimosa.

“And we need Poy in the game now that’s Justin’s out and Kelly’s out.”

Samantala, walang plano ang Kings na magkumpiyansa sa kabila na abante sa serye.

“Kahit paano may konting lead kami sa kanila but hindi pa rin ito assurance na maipapanalo namin ang series,” sabi ni Thompson, ang reigning MVP na may 10-13-11 triple-double job sa laro noong Easter Sunday.

CLYDE MARIANO