2-0 TARGET NG MAROONS, TAMS

UAAP SEASON 81

Mga laro sa ­Miyerkoles:

(Smart Araneta ­Coliseum)

2 p.m. – UST vs FEU (Men)

4 p.m. – UP vs Ateneo (Men)

MATAAS ang morale at fighting spirit matapos ang una nilang panalo, target ng Far Eastern University at University of the Philippines ang 2-0 kartada sa magkahiwalay na laro sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament ngayon sa Araneta Coliseum.

Haharapin ng Tamaraws ang UST Growling Tigers sa alas-2 ng hapon  habang sasagupain ng Maroons ang kapitbahay sa Katipunan at back-to-back seeking Ateneo Blue Eagles sa alas-4 ng hapon.

Kapuwa determinado ang FEU at UP na manalo at mapanatili ang malinis na record at maagang pangunguna.

Tinalo ng FEU ang La Salle, 68-61, habang tinambakan ng UP ang UE Red Warriors, 87-58, para makasalo ang opening day winner host National University, na namayani sa UST, 75-70.

Inaasahan namang hindi magiging madali para sa FEU at UP ang manalo dahil kapuwa malakas ang kanilang mga katunggali.

Siguradong hindi  papayag si coach Tab Baldwin na muling matalo ang Ateneo at gagamitin niya ang kanyang coaching experience para makabawi ang  Blue Eagles.

Target ni Baldwin ang ikalawang sunod na titulo matapos igiya ang Ateneo sa kampeonato kontra La Salle noong nakaraang  taon.

“The opening day loss was a wake-up call for us. We have to play with dedication, determination and desire to stay on track,” sabi ni Baldwin.    CLYDE MARIANO

2 thoughts on “2-0 TARGET NG MAROONS, TAMS”

Comments are closed.