Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
7:30 p.m. – TNT vs Ginebra
PUNTIRYA ng TNT ang ikalawang sunod na panalo para sa 2-0 bentahe habang sisikapin ng Barangay Ginebra na makabawi sa Game 2 ng kanilang PBA Governors’ Cup title series ngayong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.
Sinabi ni coach Tim Cone na kailangan nilang pagbutihin ang pagtira mula sa arc kung saan nalimitahan sila ng Tropang Giga sa 104-88 Game 1 loss noong Linggo ng gabi sa harap ng sellout crowd sa Ynares Center sa Antipolo.
Kinikilala bilang pinakamahusay na three-point shooting team sa conference, ang Ginebra ay nalimitahan sa 2-of-21 percent mula sa 3-point area na ganap na gumambala sa kanilang opensa.
Ang 9.5 percent shooting ang pinakamalala sa league finals sa loob ng mahigit isang dekada o magmula nang maibuslo ng San Mig Coffee – sa ilalim din ni Cone – ang 7.7 percent lamang ng kanilang tira mula sa 3-point range sa Game 1 ng 2014 Commissioner’s Cup finals laban din sa TNT.
Ang Ginebra ay may average na 37 percent mula sa arc mula eliminations hanggang semifinals, bago nadepensahan ng TNT sa opener ng best-of-seven title series.
“They took a lot of what we wanted to do away from us. We shot the ball poorly with 2-for-21 from the three-point line,” wika ni Cone kasunod ng 16-point blowout.
“They beat us up individually one-on-one and really embarrassed our defense.”
Tumapos si import Justine Brownlee na may 23 points, 7 rebounds, at 5 assists, habang umiskor si veteran big man Japeth Aguilar ng 14, at nag-ambag si Ralph Cu mula sa bench ng 13.
Subalit malinaw naman na na-miss ng Ginebra ang scoring prowess nina Scottie Thompson at rookie RJ Abarrientos, na nalimitahan sa pinagsamang 12 points sa 2-of-10 shooting mula sa long distance.
Inamin ni TNT coach Chot Reyes na ang three-point sniping ng Ginebra ang pangunahing alalahanin ng Tropang Giga papasok sa finals, at naniniwalang ang malimitahan ang Kings mula sa long range ang magiging isa sa mga susi upang mapanatili ang korona.
“We’re a very big and driven team, so we work on the numbers and then we focus really on taking away their (Kings) strengths,” aniya.
Subalit tiyak na paghahandaan ng dating Gilas Pilipinas coach ang pagresbak ng Ginebra sa Game 2 upang itabla ang serye.
“They (Kings) really rely a lot on their three-point shooting, and there are days when it’s going to be off,” aniya.
“But that’s not going to be every day,” dagdag pa ni Reyes. “That’s why we have to be prepared for the next game because we know hindi palaging ganyan.”
Ibinasura ni Rondae Hollis-Jefferson, ang reigning Best Import ng conference, ang produksiyon ni Brownlee sa kanyang 19 points, 10 rebounds, at 4 assists, habang nagbuhos si Rey Nambatac – naglalaro sa kanyang unang PBA finals – ng 18 at nag-ambag si big man Poy Erram ng 15.
Nakakuha rin ang Tropang Giga ng suporta mula kay veteran leader Jayson Castro mula sa bench na may 14 points at nagbigay ng quality minutes, kabilang ang pamamayani sa kanilang matchup ni Abarrientos.
CLYDE MARIANO