2-0 TARGET NG ‘TROPA’

Laro ngayon:

6 p.m. – TNT vs Magnolia

(Game 2)

SISIKAPIN ng TNT Tropang Giga na makopo ang 2-0 bentahe kontra Magnolia Hotshots sa Game 2 ng kanilang best-of-seven title showdown ngayon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Tangan ang momentum at psychological edge ay haharapin ng Tropang Giga ang Hotshots sa alas-6 ng gabi

Iginiit ni TNT coach Chot Reyes na 1-0 bentahe pa lamang ang kanilang tangan at mahaba pa ang tatakbuhin ng serye.

“Whether it’s by 18 points or by one, it’s just one win,” wika ni Reyes.

Para kay Reyes, ang pinakamahalagang layunin ay ang humusay pa nang humusay ang kanyang tropa.

Iyan ang dapat gawin ng Tropang Giga lalo na kung hindi maglalaro si Kelly Williams dahil sa isn’t back injury na kanyang natamo sa  third quarter ng kanilang 88-70 panalo sa series opener.

Ganito rin ang kinakaharap na isyu ng Magnolia kay Ian Sangalang, na nalimitahan sa 10 minutong paglalaro dahil sa kanyang sariling health problem.

Subalit kahit wala si  Sangalang sa malaking bahagi ng laro ay namayani pa rin ang Hotshots sa rebounding battle.

Ang naging problema ay nahirapan ang Hotshots sa shooting.

“It happens,” wika ni Reyes patungkol sa problema ng Magnolia.

Pipilitin naman ng Hotshots na makabawi sa Game 2.

“We’ll try to bounce back hard in Game 2 and play ‘Magnolia basketball’ again,” ani Magnolia coach Chito Victolero.

Nadominahan ng TNT ang Game 1 nang malimitahan ang Magnolia sa all-time finals field-goal low na 27.39 percent (20-of-73) at napuwersa ang Hotshots sa league conference-high 28 errors tungo sa 26 points mula sa turnovers. CLYDE MARIANO

6 thoughts on “2-0 TARGET NG ‘TROPA’”

  1. 455329 65455Oh my goodness! an remarkable write-up dude. A lot of thanks Even so My business is experiencing trouble with ur rss . Do not know why Struggle to sign up to it. Can there be everyone getting identical rss dilemma? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 52223

Comments are closed.