2-1LEAD SA SIXERS

76ers

KUMANA si Joel Embiid ng 33 points, 10 rebounds at 5 blocked shots upang pangunahan ang Philadelphia 76ers laban sa bumibisitang Toronto Raptors, 116-95, at kunin ang 2-1 series lead sa Eastern Conference semifinals noong Huwebes.

Ito ang ika-12 double-double ni Embiid sa 15 career playoff games.

Nagdagdag si Jimmy Butler ng 22 points, 9 assists at 9 rebounds habang gumawa si JJ Redick ng 15 points para sa third-seeded Sixers.

Lalaruin ang Game 4 sa Philadelphia sa Linggo.

Nanguna si Kawhi Leonard para sa second-seeded Raptors na may 33 points habang nagdagdag si Pascal Siakam ng 20. Umiskor si Leonard ng hindi bababa sa 30 points sa lima sa walong playoff games ng Toronto ngayong season, kabilang ang lahat ng tatlong laro kontra Philadelphia.

Isang maagang 8-0 run sa second quarter ang nagbigay sa Sixers ng 40-29 kalamangan.

Bumanat si Leonard ng isang mahirap na jumper mula sa wing at sinundan ito ni Kyle Lowry ng isang layup upang makalapit ang Toronto sa 52-46, may 3:22 ang nalalabi sa second.

Salamat sa 18 points ni Embiid at sa pagbuslo ng koponan ng 8 of 14 sa 3-point area, naitarak ng Sixers ang 64-53 bentahe sa halftime.

Nanguna si Leonard para sa Toronto na may 17 points sa first half.

Comments are closed.