2-3-4% PROGRESSIVE GROWTH RATE

TARGET ng Department of Agriculture (DA) na matamo ang isang progressive annual growth rate para sa farm at fisheries sector hanggang sa umabot ito sa 4% sa 2022.

Sa isang statement, sinabi ng DA na puntirya ng ahensiya ang 2  porsiyentong paglago ngayong taon para sa sektor, 3% sa susunod na taon, at 4% sa 2022.

“It will be a tall order, mainly due to natural and man-made calamities that will impact on the production of rice, corn, vegetables, major crops, swine, poultry and fishery products, but we are confident we could attain such modest growth rates in the next three years,” wika ni Agriculture Secre-tary William Dar.

Inatasan ni Dar ang heads ng attached agencies ng DA na gawin ang lahat ng kanilang makakaya para matamo ang ‘2-3-4’ annual growth rates nga-yong taon hanggang sa 2022.

“We must elevate our game, continue to ‘reboot’ ourselves, and strengthen and synchronize our efforts. This will enable us to effectively and cost-efficiently implement programs and projects under our new thinking for agriculture that envisions a food-secure Philippines with prosperous farmers and fisherfolk,” sabi pa ng agri chief.

Ikinalungkot ni Dar ang patuloy na downward trend ng ambag ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa mula 2000 hanggang 2019, kung saan ang  average contribution nito sa gross domestic product (GDP) ay bumaba sa 11.6%, mas mababa sa 24% contribution sa GDP sa 80s.

Mula 2000 hanggang 2018, ang sektor ay lumago lamang ng 1.7% annually.

Aniya, plano niyang palakasin ang produksiyon ng palay at ng fishery sub-sectors, na bumubuo sa 40% ng total agricul-ture output.

Comments are closed.