SA HINAHARAP ay posibleng magkasundo ang gobyerno ng Filipinas at ang isang British firm sa ilalim ng bantog na Energy World International (EWI) para simulan ang US$2.3 billion exploration project sa natural gas at oil mula sa isla ng munisipalidad ng Lagus sa Sulu.
Ayon kay Lugus Mayor Hadir Hajiri, ang British firm na EWI, sa pamumuno ni Graham Elliot, ang mangangasiwa sa nasabing proyekto na umano’y magbibigay ng malaking tulong pinansiyal sa bansa.
Sinabi ni newly-installed Mindanao Development Authority (MinDA) Secretary Emmanuel Piñol, na sumusuporta sa nasabing proyekto, na isang hakbang ito para sa pagsisimula ng malaking energy business sa bansa.
“Our country, specifically Mindanao, needs more power in the future. This is a significant undertaking that will solve our oil problem,” pahayag ni Secretary Piñol.
Isang memorandum of understanding sa pagitan ng EWI at ng Lugus Municipality ang nilagdaan, kasama sina Piñol at Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Cinliro Soberjana bilang mga witness, para sa pagpapatibay ng naturang proyekto.
Sa isang statement, sinabi ng British company, kaagapay ang business partner nitong local firm na ang Hadar and Medzar Oil and Gas Corp. (HMOGC)
Hadar and Medzar Oil and Gas Corporation ang mangangasiwa sa itinuturing na ‘world class oil and natural gas production’ para sa exporting facilities nito sa sandaling mapagtagumpayan ang naturang proyekto bilang bahagi ng karagdagang power generation na makatutulong sa pagpapaunlad ng industrial, residential at commercial used ng nasabing produkto.
Batay sa pag-aaral ng EWI, ang Lugus ay natuklasan nilang maaaring mapagkunan ng malaking bahagi ng reserve gas at langis mula sa karagatan ng Sulu.
Ayon sa nasabing kompanya na bihasa sa pagtuklas ng langis sa karagatan, lilikha ng maraming trabaho ang naturang proyekto.
Bukod sa job opportunities, malaking income din ang inaasahang papasok sa lokal na pamahalaan kapag nagtagumpay ang nasabing proyekto at maaaring magsilbi rin itong pasimula sa paglago ng negosyo at kalakalan sa Sulu areas.
Samantala, inilabas ng American business magazine na Forbes ang talaan ng 10 Filipino billionaires na may malaking ambag sa industriya ng pangangalakal sa Filipinas na siyang ugat ng gumagandang ekonomiya ng bansa.
Nangunguna pa rin sa listahan ang naiwang pamilya ni yumaong business tycoon Henry Sy, sumusunod sina former Senate President Manny Villar, John Gokongwei, George Ty, Lucio Tan, Andrew Tan, Enrique Razon, Jr., Tony Tan Caktiong, Jaime Zobel de Ayala at Ramon Ang.
Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].