2.3M INDIGENTS PASOK SA BDP PROGRAM

INIHAYAG ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na umaabot sa 2,318,892 na mahihirap na indibidwal na naninirahan sa Regions 10, 11, at 13 ang inaasahang makikinabang mula sa Barangay Development Program (BDP) na ipinatutupad ng pamahalaan.

Ayon kay Año, ang mga barangay sa mga naturang rehiyon, partikular na ang mga Indigenous People (IP) ancestral domain areas ay matagal nang na-exploit ng CPP-NPA dahil sa kakulangan ng basic services at development.

Aniya,dahil naman sa mga programa ng pamahalaan ay mabibigyan na sila ng bagong pag-asa at bagong buhay.

“Mga barangay na matagal nang na-exploit ng CPP-NPA dahil sa kakulangan ng basic services at development sa kabuuan po ang makikinabang sa project na ito ay 2,318,892 na mahihirap nating kababayan na ngayon ay nabigyan ng buhay at pag- asa, at ito po ang pinakamabisang solusyon sa insurhensiya,” paliwanag ni Año.

Aniya, umaabot na sa P16.44 bilyong halaga ng BDP projects ang inilaan ng pamahalaan para sa mga naturang barangays na dati ay infested ng CPP-NPA.

Sinabi ni Año na ang bawat concerned barangay ay tatanggap ng P20 milyong alokasyon para sa kani-kanilang development projects sa infrastructure at non-infrastructure program categories.

Sa infrastructure projects aniya, 928 farm-to-market roads na nagkakahalaga ng P11.6 bilyon ang naitayo sa may 747 barangays habang 157 health station projects naman ang natapos sa 150 barangays na nagkakahalaga ng P498,726,376.

Idinagdag pa niya na 103 assistance sa mga indigent individuals o families ang naipagkaloob na nagkakahalaga ng P119,046,019.

Noong Setyembre 2, sinabi ng DILG chief na nasa 182 proyekto ng pamahalaan ang nasa implementation stage, 782 projects ang nasa procurement stage at 1,319 iba pa ang nasa pre-procurement stage. EVELYN GARCIA

6 thoughts on “2.3M INDIGENTS PASOK SA BDP PROGRAM”

Comments are closed.