INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na mahigit sa 2.4 milyong mag-aaral sa mahigit 4,000 paaralan sa bansa ang apektado ng matinding init ng panahon.
Ayon sa DrpEd 4,769 paaralan na ang nagkasa ng alternative delivery modes (ADMs) dahil sa pagsusupindi ng mga nakakasakop na lokal na pamahalaan ng in-person classes dahil sa mataas na temperatura ng panahon.
Apektado sa hakbang na ito ang kabuuaang 2,482,507 base sa mga datos mula sa regional at schools division offices.
Pinakamarami sa Western Visayas kung saan 547,800 estudyante ang apektado, kasunod ang Central Luzon na may apektadong 502,838 mag-aaral at sa NCR na may apektadong 391,230 estudyante.
Ang pagsuspindi ng face-to-face classes ay napa-ulat sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, (MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at National Capital Region. ELMA MORALES