$2.43-M AYUDA SA GREENHOUSE PROJECTS

Secretary Emmanuel Piñol

MAY $2.43 million grant ang tinanggap ng Department of Agriculture (DA) mula sa pamahalaan ng South Korea para sa greenhouse projects nito na magpapalakas sa produksiyon ng kamatis.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol, lumagda ang ahensiya ng memorandum of agreement sa Korea Agency for Education, Promotion and Information Service in Food, Agriculture, Forestry and Fisheries (EPIS) para sa naturang grant.

Mapupunta ang naturang halaga sa K-Smart project na naglalayong mapalakas ang produksiyon ng  small at medium-scale farmers.

Layunin din nito na mabigyan ang mga magsasaka ng mas malawak na access sa merkado sa pamamagitan ng co-branding initiatives at matulu­ngan sila na samantalahin ang bentahe ng paghahatid ng kanilang mga produkto sa buong bansa.

Ang unang 18 K-Smart Greenhouses ay itatayo sa lalawigan ng Benguet para magprodyus ng high value vegetables, partikular ang kamatis.

Ipatutupad ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Korean International Cooperation Agency (KOICA).

“As the DA Secretary, I have committed that as soon as high value vegetable farmers confirm the effectiveness of the Smart Greenhouses in increasing their productivity, I will propose the inclusion of the program for more greenhouses in the 2020 Budget of the DA,” wika ni Piñol sa isang post sa Facebook.

Ang kasunduan ay nabuo makaraang bumisita si Pangulong Rodrigo  Duterte sa South Korea noong nakaraang buwan kung saan nagkaroon siya ng bilateral talks kay President Moon Jae-In.

Comments are closed.