$2.5-B II-INVEST NG THAI FIRM SA PINAS

TARGET ng Charoen Pokphand Group (C.P. Group) ng Bangkok na mamuhunan ng humigit-kumulang USD 2.5 bilyon sa pagpapaunlad ng teknolohiyang pang-agrikultura sa bansa, kabilang ang swine, poultry, shrimp, at food production.

Ibinahagi ng kompanya ang balita sa isang courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang.

Nabatid na ang pamumuhunan ng kompanya ay resulta ng pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa C.P. Group noong Nobyembre 2022 bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa Thailand.

Sa expansion plans at business integration, target ng C.P. Group na mag-invest ng US$2.5 billion mula 2023 hanggang 2027.

Saklaw ng investment na ito ang swine (US$1.3 billion), poultry (US$280 million), shrimp (US$800 million), at food (US$120 million).

Ayon kay PBBM, nakabibilib ang teknolohiya na ginagamit ng kompanya.

Pahayag ng mga opisyal ng C.P. Group, dadalhin nila sa Pilipinas ang state-of-the-art technology.

“We will discuss amongst ourselves with all the others, those who will be helping put together the project. We will certainly see what is the most ideal way,” wika ng Pangulo.

Napag-alaman na ang C.P. Group ang nangungunang holding company sa Thailand. DWIZ882