2.5K OFWs PAUWI NA

MAGSISIUWI sa Filipinas ang mahigit sa 2,500 Overseas Contract Workers (OFWs) na nagtratrabaho sa United States (US) at North Atlantic Treaty Organization (NATO) military bases sa Kandahar at Bagram, Afghanistan.

Ito ay makaraang ipag-utos ni US President Joe Biden ang agarang withdrawal ng kanilang mga sundalong na nakabase sa Afghanistan upang wakasan na ang kaguluhan sa bansang ito.

Ayon sa impormasyon mula kay Migrant and recruitment expert Manny Geslani, ang mga OFW na ito ay nagsimula manilbihan sa dalawang military bases bago sumiklab ang giyera sa pagitan ng US troop at Taliban noong taon 2003.

Ang US troop at ang international coalition troops mula sa mga bansang UK, France, Canada at iba pang bansa na miyembro ng NATO ay ipinadala sa Afghanistan matapos ang September 11 terror attacks sa Amerika.

Sa kasalukuyan, nasa isang libo OFWs ang nanatili sa loob ng Bagram at Kandahar Airfields na nagmi-maintain sa mga logistical at maintenance work sa loob ng dalawang military bases.

Samantala, ang 200 daang miyembro ng Samahang Pilipino sa Afghanistan (SPA) ay hindi kasama sa mga uuwi, sapagkat mananatili ang mga ito bilang maintenance crew sa loob ng dalawang base military.
FROILAN MORALLOS

One thought on “2.5K OFWs PAUWI NA”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *