2.5K PUJs SA WESTERN VISAYAS MAWAWALAN NG PRANGKISA

INIHAYAG ng Land Transportation Franchising and Regulaory Boad (LTFRB)6 na nasa 8,524 public utility jeepneys (PUJs) o 69.2 percent na ang nakapag-consolidate sa Western Visayas hanggang nitong Abril 29.

Ayon sa datos ng LTFRB- 6, ang franchise consolidation ay umabot ng 75 percent sa Iloilo City, 98 percent sa probinsya ng Iloilo at 27 percent sa Bacolod City.

Dahil dito, inaasahang nasa 2,500 unconsolidated PUJs ang mawawalan ng prangkisa matapos ang extended deadline noong Abril 30.

Magsisimula naman ngayong araw ang panghuhuli sa unconsolidated units na mapatutunayang namamasada pa rin.

Sa ngayon ay naghihintay pa ng panuntunan ang LTFRB 6 mula sa LTFRB Central Office kaugnay sa panghuhuli.

Samantala, nagsagawa naman ng kilos-protesta ang No to PUV Phaseout Coalition Panay sa opisina ng LTFRB-6.
EVELYN GARCIA