NASA 2600 na magsasaka ang lubhang naapektuhan ng magnitude 7.0 earthquake sa Ilocos Sur at Abra bunsod ng pinsalang idinulot ng lindol sa mga irigasyon.
Sa ginawang pag- aaral ng National Irrigation Administration aabot sa ₱251-M ang pinsala sa irigasyon system matapos ang pagtama ng lindol sa hilagang Luzon.
Sa pulong balitaan inihayag ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda malaki ang inabot na pinsala irigasyon sa lalawigan ng Ilocos Sur at Abra.
Kaya’t nagkukumahog ngayon ang ahensiya upang maisaayos ang mga nasira patubig at mapakinabangan na ng nasa mahigit 2000 magsasaka na naapektuhan ng nasirang irigasyon sa Ilocos Sur habang nasa 600 na magsasaka ang apektado sa Abra.
Target nina Antiporda na matapos ito sa loob ng 45 araw upang huwag masyadong naapektuhan ang pamumuhay ng libo libong manananim.
Kaugnay nagsagawa rin ng inspeksyon ang ahensya sa mga dam na posibleng maapektuhan ng lindol matapos mapansin ang pagtagas ng tubig sa Magat Dam.
Nagpadala na sila ng ground penetrating radar upang masuri ang dam. Nabatid na matagal ng may tagas ang Magat Dam at meron na ring ginawang pag-aaral ang Japan International Cooperation Agency (JAICA) upang isaayos ito.
Magugunitang sa kanyang pag upo sa NIA , iniyag ni Antiporda ang kanyang mga plano at programa na naglalayong mapalawak pa ang irrigation system sa bansa .
Target nitong mapabilis ang pagpapatubig sa libo libong ektaryang irrigatable land upang makatulong na iangat ang irrigation and agricultural sector na kabilang sa mga pangunahing mithiin ng administration ni President Bongbong Marcos.
Kaya plano ni Antiporda na palakasin pa ang irrigation development sa bansa kaya inilunsad nito ang “NIAParaSaBayan”. VERLIN RUIZ