TINATAYANG nasa 2.6 milyong paslit o 35 porsiyento ang hindi rehistrado ang birth certificates sa bansa.
Ito ang ipinarating ni Pauline de Guzman, representative ng Child Rights Network (CRN), sa isang press conference sa Quezon City kung saan sinabi niyang maraming kabataan sa bansa ang hindi rehistrado sa kanilang mga civil registrar.
Ito, aniya, ay bunsod ng kawalan ng kaalaman ng mga magulang upang iparehistro ang kanilang mga anak, gayundin ang mataas na mga singil sa pagpaparehistro na nagiging dahilan sa tuluyang pagbalewala sa pagpaparehistro.
Ipinaliwanag niya ang importansiya ng registration sa kanilang mga civil registry upang madaling makakuha ng mga kaukulang dokumento katulad ng passport at pagboto tuwing eleksiyon at iba pang mga IDs sa gobyerno.
“Poverty and geographycal barriers are among the reasons why many children cannot have their births registered on time,” pahayag ni de Guzman.
Sinabi naman ni Lone District Ifugao Cong. Teddy Baguilat, isa sa mga sumusuporta sa adbokasiya ng grupo, na kinakailangan nang baguhin sa Kongreso ang Civil Registration and Vital Statistics Law na noon pang 1921 naisabatas bunsod ng kalumaan at hindi na ito napapanahon.
Napag-alamang si Baguilat na isa sa supporter ng grupo ay nagsusulong na maipasa ang mga batas para mas maging episyente ang civil registration, gayundin ang pag aalis ng mga bayarin sa mga local government units sakaling delayed ang registration gayundin ang pagkakaroon ng mobile registration. BENEDICT ABAYGAR JR.
Comments are closed.