2, 825 BAGONG KASO NG COVID-19

DOH-3

LUMOBO pa sa 328,637 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 19 (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 2,825 infection kahapon.

Batay sa case bulletin,  na inilabas ng DOH dakong 4PM ng hapon ng  Miyerkoles at karamihan sa mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na umabot sa 746, Region 4A na may 627, Region 3 na may 211

Nakapagtala naman ang DOH ng 437 na bagong gumaling mula sa covid 19.  Dahil dito nasa kabuuang 273,723 na ang mga gumaling.

Nakapagtala naman ang DOH ng 60 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,925 na ang kabuuan.

May 21 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 13 dito ay recovered cases.

Samantala, may 14 na kaso na naunang iniulat na gumaling pero  ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.