(2.87M noong Marso) JOBLESS NA PINOY NABAWASAN

BUMABA ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho nitong Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang bilang ng unemployed adults na may edad 15 at pataas nitong Marso ay nasa 2.87 million, na katumbas ng unemployment rate na 5.8%.

Ayon kay Mapa, ang unemployment rate noong Marso ang pinakamababa magmula noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic lockdowns noong April 2020, kung saan naitala ang all-time high unemployment rate na 17.6% na katumbas ng 7.3 million na Pinoy na walang kayod. j

Mas mababa ito sa 3.13 million jobless adults na naitala noong Pebrero, na katumbas ng unemployment rate na 6.4%.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), ang mas mababang   joblessness rate ay sanhi ng paglipat sa Alert Level 1 ng karamihan sa mga lugar sa bansa.

Sa ilalim ng Alert Level 1, ang mga negosyo ay pinapayagang mag-operate sa 100% capacity na walang age restrictions at physical barriers.

“The March labor force survey results reflect the gains from moving around 70% of the economy to Alert Level 1. As we continue to manage the risks, we reiterate our recommendation to shift the entire country to alert level 1 to generate more employment and strengthen the domestic economy against external shocks,” sabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua.

Ayon sa NEDA, mas maraming Pilipino rin ang lumahok sa labor force sa gitna ng niluwagang mobility at mas mababang lalert level.

“The country’s labor force participation rate — the percentage of individuals who are actively looking for work in the adult population — continued its uptrend to 65.4%, also the highest rate since the start of the pandemic, from 63.8% in February.”

Pagdating sa laki, ang bilang ng labor force participants ay nasa 49.85 million noong Marso mula sa 48.61 million noong Pebrero.

“Together, these translated to significant employment creation of 1.5 million between February and March. This brings the net employment to 4.4 million above the pre-pandemic level,” ayon sa NEDA.