($2.992-B noong Hulyo) OFW CASH REMITTANCES TUMAAS PA

CASH AID-OFWs

PUMALO sa seven-month high ang perang padala ng overseas Filipino workers (OFWs) noong Hulyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang cash remittances o money transfers na ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko at formal channels ay nasa $2.992 billion, tumaas ng 2.6% mula $2.917 billion noong July 2022 at mas mataas din sa $2.812 billion na naitala noong Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ito ang pinakamataas sa loob ng pitong buwan o magmula nang maitala ang $3.159-billion noong December 2022.

Ayon sa central bank, ang expansion sa cash remittances noong July 2023 ay sanhi ng paglago sa padala ng land- at sea-based workers.

Year-to-date, ang cash remittances ay tumaas ng 2.9% sa $18.79 billion mula $18.26 billion na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Pangunahing nag-ambag sa pagtaas sa remit- tances sa unang pitong buwan ng taon ang pagla- go sa cash remittances mula United States, Sin- gapore, Saudi Arabia, at United Arab Emirates (UAE).

Ang US ang may pinakamalaking share sa remittances sa 41.3%, kasunod ang Singapore sa 6.9%, Saudi Arabia sa 5.9%, at Japan sa 5%.

Samantala, tumaas din ang personal remittances o ang kabuuan ng transfers na ipinadala ng cash o in-kind via informal channels sa $3.321 billion mula $3.24 billion year-on-year.

“The growth in personal remittances in July 2023 was due to higher remittances sent by landbased workers with work contracts of one year or more and sea- and land-based workers with work contracts of less than one year,” ayon sa BSP.

Year-to-date, ang personal remittances ay uma- bot sa $20.91 billion mula Enero hanggang Hulyo ng kasalukuyang taon, tumaas ng 2.9 percent mula $20.33 billion na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.