2 AFP MAJOR SERVICE COMMANDER, 81 PA NAKIPAGDIYALOGO SA KONGRESO

MAY 83 senior military officers sa pangunguna ng dalawang Armed Forces of the Philippine (AFP) major service commander ang nakipagpulong sa ilang mambabatas sa pinamumunuan House Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa AFP, kasama sa 83 na nag-courtesy call kay Romualdez sina Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr, Air Force Commanding General LtGen Stephen Parreño, Northern Luzon Command Commander Lt. Gen. Fernyl Buca at iba pang senior officials ng militar.

Nabatid na ang 83 senior officials ay pawang may hawak na ad interim appointments.

Inihayag din ng AFP na sa nasabing pulong ay kinilala ng mga mambabatas kasama ang anak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos na si Ilocos Norte Representative Sandro Marcos ang kontribusyon ng Hukbong Sandatahan tungo sa pagkamit ng kapayapaan, kaayusan at pagdepensa sa bansa mula sa mga dayuhan at lokal na mga banta.

Kinilala rin ni Romualdez ang dedikasyon at sakripisyo ng militar sa paglilingkod at pagsusumikap ng mga ito sa pagtitiyak ng matatag na Pilipinas.
VERLIN RUIZ