PASAY CITY – DALAWANG American citizen ang inaresto ng mga tauhan ng airport police sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagdadala ng illegal drugs at baril sa loob ng kanyang sasakyan.
Unang naaresto ng Airport Police si Alexander Tolentino matapos makabangga ng isang taxi sa NAIA Terminal 4, o ang dating Old Manila Domestic Airport sa Pasay City.
Nakuha sa loob ng Ford Explorer ni Tolentino ang umano’y mga droga at isang baril na kalibre .38 na walang maipakitang lisensiya.
Nadiskubre ang mga naturang droga at baril sa tulong ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers na siyang sumita sa suspek matapos mangyari ang insidente.
Kasunod na naaresto sa NAIA terminal 3 si Hawkins Mariner Augustus, 40-anyos, pagdaan nito sa final screening ng Office for Transportation Security (OTS) sa departure area, kung saan nakuha sa kanya ang hinihinalang shabu bago siya makasakay sa kanyang flight patungong Legaspi.
Agad na inilipat sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang suspek upang sampahan ng kaso sa korte dahil sa paglabag sa Dangerous Drug Act. FROILAN MOR-ALLOS/ MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.