2 ANTI-SUBMARINE CHOPPERS PARATING SA PHL

ANTI-SUBMARINE CHOPPERS

PARATING na ang dalawang bagong anti-submarine helicopters ng Philippine Navy mula sa United Kingdom sa susunod na linggo.

Ayon kay Navy spokesman Capt. Jonathan Zata, ang dalawang helicopters na AW-159 “Wildcats” ay kasalukuyang ibina-biyahe papuntang Filipinas.

Ang dalawang brand new at state-of-the-art helicopters ay binili ng P5.4 bilyon sa Leonardo, UK bilang bahagi ng modernization program ng Department of National Defense para sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kamakailan lamang  ay nagtungo sa UK sina Navy chief Vice Admiral Robert Empedrad at iba pang defense officials para sa pre-deli­very test at inspeksiyon ng dalawang helicopters.

Tamang-tama ang delivery ng mga bagong anti-submarine helicopters para sa papara­ting na ring dalawang missile-firing frigates ng Navy na kasalukuyang ginagawa sa South Korea.

Inaasahang mauuna ang pagdating sa bansa ng BRP Jose Rizal na ilul­unsad naman at ide-deliver ng Hyudai Heavy Industries  mula South Korea. VERLIN RUIZ