2-ANYOS NAABO SA NASUNOG NA BAHAY

RIZAL-PATAY ang isang 2-taong gulang na batang babae na naiwang natutulog nang biglang masunog ang bahay nito kahapon sa Antipolo City.

Kinilala ni SSgt. Alex Getiayon, arson investigator, ang biktima na si Vanessa Glee ng Chico street, purok sumulong Barangay Dela Paz ng nasabing bayan.

Nagtamo ang biktima ng 2nd hanggang 3rd degree burns.

Nabatid na iniwan ng kanyang mga magulang ang bata dakong alas-9 ng umaga kahapon sa loob ng kanilang bahay na natutulog nang maganap ang nasabing sunog na siyang naging dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Ayon sa ilang kapitbahay hindi na nila natulungan ang bata na noon ay natutulog para masagip dahil sobrang lakas na ang apoy .

Naapula naman umano ng mga bumbero ang apoy bago pa ito kumalat sa mga kalapit bahay. ELMA MORALES