PASAY CITY – HUMABOL sa undas ang isang paslit na babae makaraang mabilaukan ng candy noong Oktubre 31 ng gabi.
Sa blotter ng Pasay City Police, alas-7 ng gabi nang mangyari ang insidente sa tapat ng bahay ng isang driver na kinilala sa alyas na Jun, 28-anyos.
Ayon kay Jun, nagulat na lamang siya nang marinig niyang umiiyak ang ina ng biktima habang inaakusahan siya na may kinalaman sa pagkasawi ng biktima.
Bago ang pangyayari, ay sinabi ng suspek na naglalaro noon sa tapat ng kaniyang bahay ang bata nang lumapit ito sa kanya para magpatulong na alisin ang balat ng lollipop nito na siya namang ginawa ng lalaki saka pumasok sa kanyang bahay para matulog.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, ginahasa umano ng suspek ang bata na naging sanhi ng pagkamatay nito kaya agad nila itong inaresto.
Ngunit isang buong lollipop candy ang nakitang nakabara sa lalamunan ng bata ang nadiskubre nang isailalim na sa awtopsiya ang labi na hinihinalang dahilan ng pagkasawi nito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.