TAGUMPAY ang isinagawang 2 araw na National Assessment Day (NAD) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na idinaos sa buong bansa nitong Hunyo 26-27, 2018
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong, umabot sa 24,820 ang nabigyan ng libreng assessment kung saan 21,612 ang na-certify o nakapasa sa may 1,753 TESDA accredited assessment centers sa 17 rehiyon sa buong bansa.
Mas mataas ang resulta kaysa sa inaasahang 17,035 technical vocational education and training (TVET) graduates, teachers, trainers at mga interesadong mga manggagawa na aktuwal na nagparehistro bago ang ginanap na NAD.
Ang top 10 kurso na may maraming nagpa-assess ay ang Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC ll – 2,080; Computer System Servicing NC ll – 1,860; Cookery NC ll – 1,598; Housekeeping NC ll – 1,570; Food & Beverage Services NC ll – 1,434; Driving NC ll – 1,411; Bread & Pastry Produc-tion NC ll -1,243; Domestic Work NC ll – 1,071; Bookkeeping NC lll – 910 at Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC ll – 820.
Ang rehiyon na may pinakamataas na bilang na nagpa-assess at na-certify ay ang National Capital Region (NCR) na mayroong 4,045 katao ang nagpa-assess kung saan 3,799 ang na-certify o may katumbas na 94% certification/passing rate.
Sa kabuuang bilang na 24,820 na nagpa-assess na mga TVET graduates at iba pang mga manggagawa, ang 11,273 dito na katumbas sa 45% ay mga babae habang 13,547 o katumbas sa 55% ang lalaki. Samantala, sa mga na-certify na may pangkalahatang bilang na 21,612, 9,750 naman na katumbas sa 45.11% ang kababaihan at 11,862 o 54.89% ang kalalakihan.
Ayon pa sa TESDA chief, sa kabuuang bilang, ang 5,506 o 22.18% na nagpa-assess ay mula sa construction-related qualifications. Sa bilang na ito 4,834 ang nakapasa at nabigyan ng National Certificate (NC) na may katumbas na 87.80% passing/certification rate. Malaki umanong maitutulong nito sa Build Build Build Programs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag ni Mamondiong na ang isinagawang dalawang araw na libreng national assessment sa buong bansa ay may layunin na isulong at palawakin pa ang kaalaman ng publiko kaugnay sa TESDA Competency Assessment and Certification Program; isulong ang pagkilala ng employer sa National Certificate (NC) at sa kahalagahan ng certification para sa katiyakan ng kakayahan ng isang manggagawa.
Dahil sa tagumpay ng katatapos na NAD, plano ni Mamondiong na idaos na ito taon-taon. BENJARDIE REYES
Comments are closed.