CAVITE- WALA ng buhay nang matagpuan ang isang 11 anyos na grade 6 student sa isang masukal na lugar sa Brgy. Sta. Clara, Gen. Trias sa lalawigang ito.
Hinihinalang hinalay muna ang biktima bago ito pinatay na dalawang araw ng nawawala at pinapanawagan ng pamilya.
Kinilala ng pulisya ang 11 anyos na biktima na si Rheamae Betonio Moreño, residente ng Brgy. Sta Clara, Gen. Trias City, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, alas-11 ng umaga nang makita ng isang residente na si Oscar Ballada Bovadilla ang nakahandusay na biktima sa masukal na lugar sakop din ng Brgy Sta Clara.
Sa salaysay nito sa pulisya, nagtungo siya sa lugar upang manguha ng mga kawayan nang bumulaga sa kanya ang bangkay ng biktima.
Nakataas ang damit pang itaas nito at ang nakababa pang ibabang suot ng biktima.
Sa facebook page ng ama ng biktima, humihingi ito ng tulong na mahanap ang kanyang anak na 2 araw na umanong hindi umuuwi.
Patuloy ang ginagawang follow-up operation ng pulisya para sa ikadarakip ng suspek. SID SAMANIEGO