2-ARAW WALANG PASOK SA DAVAO OCCIDENTAL AT DEL SUR

DAVAO REGION- NAGPATUPAD ng dalawang araw na province-wide na class and work suspension mula kahapon hanggang ngayon araw sa Davao Occidental at Davao del Sur.

Base sa Memorandum Order Number 137 na nilagdaan ni Governor Franklin Bautista, ang nasabing suspensyon ay itinakda sa lahat ng antas mula pribado at pampublikong paaralan.

Ikinasa na rin nito ang assessment sa mga istraktura sa posibleng epekto ng magnitude 6.8 na lindol na tumama noong Biyernes.

Magugunitang hanggang nitong Linggo ay pumalo na sa walo ang nasawi at 101 aftershocks na inaasahang may malaking karagdagan dahil patuloy ang pag-uga sa nasabing lalawigan at karatig lugar.

Samantala, sinuspinde rin kahapon ang klase sa Davao del Sur alinsunod sa memorandum na inilabas ng Department of Education Davao del Sur Division. EUNICE CELARIO