ILOILO CITY -NASAMSAM ng mga operatiba ang P1.5 milyong shabu mula sa dalawang hinihinalang drug pushers sa isang buy-bust operation sa Molo District sa kamakalawa.
Batay sa pahayag ni Police Lt. Col. Antonio Benitez Jr., Iloilo City Police Office-City-Drug Enforcement Unit chief, kinilala ang mga suspek na sina Teresa Olmido Pagunaling at Rey Villaruel Hermano, kung saan ay nasamsaman sa pag-iingat ng mga nabanggit ng 225 gramo ng hinihinalang shabu.
Sinabi ni Police Major Shella Mae Sangrines, ICPO spokesperson, na katuwang ng DEU ang Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) ng Police Regional Office-6, ICPO-Molo Police Station, Regional Maritime Unit (RMU), at ang Philippine Coast Guard (PCG) sa operasyon.
“The collaborative efforts of our law enforcement agencies are crucial in combating the drug menace. This successful operation is a testament to the dedication and professionalism of our police force in protecting our communities from the harmful effects of illegal drugs,” ani Police Brig. Gen. Sidney Villaflor, PRO-6 director.
Idinagdag pa ni Police Major Mary Grace Borio, PRO-6 spokesperson, na nai-record ang operasyon gamit ang dalawang body cameras.
Ang naturang mga suspek ay nakatakda sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. EVELYN GARCIA