QUEZON – ARESTADO ang dalawang lalaki na umano’y nagbebenta ng mga sangkap ng dinamita para sa pangingisda sa Purok Ilang-Ilang, Brgy.Silangang Mayao, Lucena City.
Kinilala ni Col. Romulo Albacea, hepe ng Lucena Police, ang mga nadakip na sina Marilou Dioloza, at Harold Obciana, ng Brgy.Barra
Nagsagawa sila ng operasyon sa mga suspek dakong ala-1:55 ng hapon at nagpanggap ang isang pulis upang makabili ng mga materyal sa paggawa ng pampasabog at nagpositibo naman ito.
Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang pitong sako ng ammonium nitrate mas kilala sa tawag na bigas-bigas, at pitong bigkis ng blasting cap.
Ayon sa PNP Maritime, sina Dioloza at Obciana ang pinakamalaking supplier ng mga gamit na ginagawang pampasabog sa panghuhuli ng isda sa karagatan ng Quezon at Bicol. BONG RIVERA
Comments are closed.