2 ARTISTA SABIT SA BENTAHAN NG DROGA | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
PARTY DRUGS-2

2 ARTISTA SABIT SA BENTAHAN NG DROGA

DALAWANG artista na umano’y nasa ilegal na transaksiyon ng party drugs sa Metro Manila ang mino-monitor ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasunod ng pagkakapatay sa tinaguriang No. 1 supplier ng ecstacy sa isang drug buy bust operation.

Nauna rito ay nagkasa ng buy bust operation ang awtoridad sa party drugs supplier na si Steve John Pasion sa Sta. Cruz, Maynila pero nakahalata ang suspek na pulis ang bumibili sa kanya kaya sinikap nitong makaeskapo  subalit nakorner din hanggang magkalitan ng mga putok na ikinamatay nito  habang arestado ang girlfriend nito.

Nakita sa cellphone ni Pasion ang palitan ng text messages ng mga customer nito na kinabibilangan ng dalawang artista na hindi muna pina­ngalanan  habang tuloy ang imbestigasyon sa kanila sa kaugnayan sa ilegal na bentahan ng ecstacy.

Matagal na umanong tinutugaygayan ang dalawang artista dahil may naunang mga ulat na sangkot sila sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ni PDEA- SpecialEnforcement Service director Levi Ortiz na may nakita nga silang text message. BENJARDIE REYES

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS