2 ATTACK HELICOPTERS PAPARATING SA FILIPINAS

PARATING na sa Filipinas ang unang dalawang makabagong T-129 attack helicopters na binili ng gobyerno sa Turkey, ayon sa Department of National Defense (DND).

Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong bumili ang bansa ng anim na T-129 attack helicopters para sa Philippine Air Force, sa halagang $269.4 million.

Ang modernong attackchoppers ay nilikha ng Turkish Aerospace Industries.

Ayon pa kay Director Andolong ang nalalabing 4 units ay posibleng i-deliver ng dalawa dalawa rin sa susunod na taon.

Ang attack helicopter ay may twin-engine at tandem seating at naka base sa “Agusta A129 Mangusta platform.”

Una nang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na interesado ang PAF sa pagbili ng nabanggit na chopper upang higit na mapalakas ang kanilang puwersa sa ilalim ng AFP modernization program ng DND at mapalakas ang kanilang anti-terrorism at field support missions. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “2 ATTACK HELICOPTERS PAPARATING SA FILIPINAS”

  1. 10004 914236Howdy! I just wish to give a huge thumbs up for the fantastic info you might have here on this post. I will probably be coming back to your weblog for much more soon. 456121

Comments are closed.