2 AUTO MECHANIC TIMBOG SA KALAHATING KILO NG SHABU

DALAWANG auto mechanic ang nadakip sa ikinasang anti narcotics operation ng Philippine Drug Enforcment Agency (PDEA) na nakumpiskahan ng kalahating kilo ng shabu na may street value na aabot sa PHP 3.4 Million sa Pasig City.

Sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, kinilala ang mga suspek na sina John Errol Malabanan y Jose, 28- anyos, isang Engine Mechanic, ng Octagon Village, Brgy Dela Paz, Pasig City at Joseph Bautista y Ariñador, 44-anyos, binata , Engine Mechanic, ng 308 Breezy Sudivision, Brgy Dela Paz, Pasig City.

At ang pinaghahanap pa na isang Dennis Lacson.

Hindi na nakapalag ang dalawang mekaniko nang sumalakay ang mga operatiba ng PDEA Nueva Ecija, Region 3, PDEA RSET nang masukol sa ikinasang drug buy bust operation sa lungsod ng Pasig kamakalawa.

Ayon kay PDEA Spokesman, Director Derrick Carreon, ikinasa ang buy-bust operation sa harapan ng Octagon Village Gate, ng F. Mariano Ave. Barangay Dela Paz, Pasig City dakong alas-7 kamakalawa ng gabi ng PDEA Nueva Ecija,PDEA-RSET,POD, Manggahan Police Sub Station 8 at Pasig SDEU.

Nakumpiska sa drug operation ang dalawang knot tied transparent plastic ice bag naglalaman ng shabu na may 500 gramo at may DDB standard value na P 3,400,000.00, isang unit ng Green Honda Civic na may plate number UHS 757 na ginamit sa transportasyon at buy bust money. VERLIN RUIZ

2 thoughts on “2 AUTO MECHANIC TIMBOG SA KALAHATING KILO NG SHABU”

  1. 579570 649181Im not that considerably of a internet reader to be honest but your internet sites genuinely nice, maintain it up! Ill go ahead and bookmark your web site to come back later. All the finest 766503

Comments are closed.