2 AWOL COPS NA KILLER NI SANTILLAN SUMUKO

sumuko

CAMP CRAME – MAKARAANG magtago ng mahigit isang taon dahil sa kasong murder, sumuko na sa Philippine National Police (PNP)  ang da­lawa sa 20 pulis na suspek sa pagpatay kay Richard Santillan at Jessamyn Casing.

Si Santillan ang aide ni dating Biliran Rep. Glenn Chong na napatay sa operasyon ng pulisya sa Cainta, Rizal noong Disyembre 9, 2018.

Ayon kay PNP Chief, General Archie Gamboa, personal na sumuko sa kanya ang dalawang pulis na nag-AWOL (absent without official leave).

Sinabi naman ni PNP Spokesman, BGen. Bernard Banac na ang dalawang sumuko kahapon ay sina PCapt. Jobin Russel Barnacha at Staff Seargent Alvin Dela Cruz.

Ang dalawa ay nagpaliwanag kay PNP Chief at nilinaw ang pagkakasangkot nila sa krimen.

Samantala, patuloy naman ang pagtugis ng PNP sa iba pang mga pulis na mayroon ding warrant of arrest sa kasong murder. REA SARMIENTO

Comments are closed.