2 BABAE NADALE SA SALPUKAN NG KOTSE AT BUS

aksidente

DAVAO CITY – DEAD on the spot ang dalawang babae lulan ng kotse na naka-salpukan ng kasalubong na passenger bus kahapon ng madaling araw sa Quimpo Boulevard.

Sa report ng Davao City Police Office, nasawi sa insidente ang 27-anyos na si Melody Sotelo Ybañez, ang drayber ng kotse at ang  kasama nitong si  Janilou Faye Rosales, 21-anyos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon Biyernes ng madaling araw nang magkabanggaan ang passenger bus at kotse ng mga biktima.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na nag-counterflow umano ang kotse at bahagyang nasakop nito ang linya ng bus.

Sinasabing kapwa matulin ang takbo ng dalawang sasakayan at hindi na nagawang maiwasan ng passenger bus ang kasalubong na kotse.

Napag-alamang papuntang terminal ang bus habang ang kotse ay papuntang MacArthur Highway. VERLIN RUIZ

Comments are closed.