2 BABAENG KADETE NA VALEDICTORIAN NG PMA AT PNPA BINIGYAN NG HOUSE AND LOT NI DUTERTE

PMA 2020

PINAGKALOOBAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bahay at lupa ang mga valedictorian sa pagtatapos sa   Philippine Military Academy’s (PMA) at  Masidlawin Class of 2020 at Philippine National Police Academy’s (PNPA) Mandayug Class of 2020.

Sa kanyang talumpati sa Palasyo ng Malacañang na live na napanood araw ng Biyernes; “Let me add a flavor to the guys that are—the… maybe you’d do more for the country. This is just a challenge. The following certificates from the Office of the President were awarded to the recipients in the program earlier this afternoon,” anunsiyo ng Pangulo.

Ang certificate of ownership ng bahay at lupa  na nagkakahalaga ng P2 milyon ay mula sa Vista Land company ni dating senador  Manny Villar.

Nanguna sa PMA si Cadet First Class Gemalyn Sugui mula Echague, Isabela na anak ng isang magsasaka at guro habang si  Cadet Lei Anne Palermo, tubong Zamboanga City ang nanguna sa  PNPA’s 2020 class.

Isinara sa kauna-unahang pagkakataon sa publiko ang  graduation rites ng PMA ngayong taon.

Ayon kay PMA Superintendent Vice Admiral Allan Cusi, ito’y dahil sa nararanasang pandemya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kaya’t maging ang pamilya, kaanak at malalapit na kaibigan ng mga kadete ay hindi rin pinayagang dumalo.

Ito aniya ang napagpasyahan ng mga opisyal ng PMA sa harap na rin ng pakikipag-ugnayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP)at ng Department of Health (DOH).

Giit ni Cusi, batid niya kung gaano kasakit para sa mga magulang ng kanilang mga kadete ang naging pasya ng mga opisyal ng PMA subalit, para na rin ito aniya sa kapakanan at kaligtasan ng lahat.

Ayon naman sa tagapagsalita ng PMA na si Navy Capt. Cheryl Tindog, naging simple at pribado na lamang ang ginawang seremoniya sa loob ng PMA grounds sa Fort Gregorio Del Pilar sa Baguio City kahapon.

Comments are closed.