2 BABAENG NPA LEADERS TIMBOG

arestado

BUKIDNON- NADAKIP ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulis ang dalawang babaeng New Peoples Army commanders sa isinagawang operasyon sa  lalawigang ito.

Kinilala ang mga naarestong NPA leader na sina Lorna Sungahid Micabalo  aka Ating/Sara/loida/ Nancy prisdo, tumatayong Secretary at  Finance Officer ng  SRC4, NCMRC asawa ni Dionesio Micabalo Commanding Officer ng  NCMRC na may  (Five  Million)  5,000,000.00 pesos reward at si Jean Tacalan Montemayor  aka Inka , Secretary and Finance Officer ng  Gerilya Front  68, NCMRC.

Armado ng warrant of arrest dahil sa kasong kidnapping, serious illegal detention, rebellion, murder at  Illegal possession of explosive,inilunsad ang joint law enforcement operation sa  Purok 1, Brgy Kalasungay, Malaybalay City laban sa mga suspek.

Dakong alas-11 kamakalawa ng gabi, matagumpay ang ikinasang operation ng mga elemento ng Philippine Army 403rd Brigade, 4th Military Intellignece Battlion , 43DRC, RIU10, RIU10, CIDU Bukidnon, Bukidnon PMFC, Buk RIU/Tracker Teams and NICA10.

Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspek ang isang improvised explosive device (IED), subversive documents, medical paraphernalia at ilang personnel belongings.

Pansamantalang dinala ng  403rd Brigade at iba pang  arresting teams ang dalawang High Value Individual (HVI) sa  Malaybalay City Police Station. VERLIN RUIZ

Comments are closed.