PORMAL nang nanumpa sa puwesto ang bagong itinalaga na si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando S. Artes at MMDA General Manager at Deputy Chairman Frisco S. San Juan, Jr.
Nanumpa kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang dalawang bagong opisyal ng MMDA.
Dumalo sa nasabing seremonya ang kani-kanilang pamilya at mga empleyado ng ahensiya.
Sa kanilang mensahe hinikayat nina Artes at San Juan na patuloy na gampanan ang kanilang tungkulin.
Nagpasalamat din ang dalawang opisyal kay Pangulong Rodrigo Duterte sa oportunidad na ibinigay sa kanila. LIZA SORIANO